^

Police Metro

Go-Duterte pambato ng PDP-Laban sa 2022

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pormal nang inihayag ng PDP-Laban na paksiyon ni ­Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go bilang kandidato sa pagka-presidente at running mate nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 election.

Bukod dito ay ini-nominate din ng grupo  bilang mga kandidato sa pagka-senador sina Rep. Lucy Torres-Gomez,  Transportation Secretary Arthur Tugade, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Labor Secretary Silvestre Bello III,Presidential Anti-Corruption Commission chairman Greco Belgica,  Rep. Rodante Marcoleta, Public Works Secretary Mark Villar at Presidential spokesperson Harry Roque.

Personal na dumalo si Duterte sa naganap na national convention at proklamasyon ng mga kandidato para sa 2022 National at Local Elections sa San Fernando City, Pampanga.

Sa kanyang video message, nagpasalamat si Go sa tiwala at suportang ibinigay sa kanya ng Partido,pero binanggit din nito na hindi siya interesadong tumakbo sa pagka-Pangulo sa darating na halalan.

Sinabi ni Go na dapat mahanapan ng katimbang si Duterte upang maipagpatuloy ang pagbabago.

ALFONSO CUSI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with