^

Police Metro

Mag-register para bumoto sa SM Supermalls

Pang-masa
Mag-register para bumoto sa SM Supermalls
James Jimenez, Director IV, Education and Information Department, Comelec, Atty. Aimee Ferolino, Comelec Commissioner, and Steven Tan, president, SM Supermalls
Photo Release

MANILA, Philippines — Kabilang na sa mga government services na pwedeng mai-avail sa SM ang pagpaparehistro ng mga botante, makaraang opisyal na mag-team up ang SM Supermalls at Commission on Election (Comelec) at lagdaan ang Memorandum of Agreement nitong nakaraang Agosto 27 sa Level 2 South Entertainment Mall SM Mall of Asia para sa pagbubukas ng satellite registration centers sa SM Supermall nationwide.

Ito ay sa layuning mabigyan ang publiko ng mas ligtas at higit na convenient option para makapagparehistro kahit sa kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID-19.

Ang Comelec ang latest government agency na naging ka-partner ng mall chain para mailapit ang basic government services sa publiko. Ang iba pang serbisyo ng gobyerno na nasa loob ng mall ay kinabibilangan ng COVID-19 vaccination, international vaccine certification sa Bureau of Quarantine satellite office, National ID registration, passport application at express services mula sa mga ahensiya ng gobyerno gaya ng PAGIBIG, PhilHealth, SSS at GSIS.

Sa nalalapit na registration deadline sa Setyembre 30, inaasahan ang pagdagsa ng mga magpaparehistro. Kaugnay nito ay mahigpit na ipatutupad ang health and safety standard.

Ang voter’s registration center, gaya ng lahat ng government service centers sa SM ay kinakailangang sumunod sa Safety Protocols na inilabas ng IATF.

Alinsunod dito ang paglimita ng Comelec sa bilang ng mga magpaparehistro kada araw. Mandatory rin ang pag-fill up sa health declaration forms, ang checking ng body temperature at pagkakaroon ng physical distancing, kasama rin dito ang pagsusuot ng face mask at face shield ng mga magpupunta sa registration site.

Mahigit sa apatnapung SM Supermalls sa bansa ang kaisa sa makabuluhang hakbang na ito, na malaking tulong para mapadali, maging mabilis at higit na ligtas ang proseso ng pagpaparehistro.

Para alamin ang SM Supermalls na may Voter’s Registration Center at kaukulang schedules, bisitahin ang https://www.smsupermalls.com/whats-new/voters-registration-now-among-the-government-services-offered-at-sm/ o i-follow ang @smsupermalls sa lahat ng social media accounts.

COMELEC

SM SUPERMALLS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with