^

Police Metro

Extension ng ECQ sa NCR ‘fake news’! – MMDA

Ludy Bermudo - Pang-masa
Extension ng ECQ sa NCR ‘fake news’! – MMDA
This 2020 photo shows private vehicles separated from the bus lane along EDSA Highway, which was rolled out amid the pandemic.
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Pinabulaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kumakalat na ulat na nagsasabing nagkasundo ang Metro Manila mayors na palawigin pa ang enhanced community qua­rantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang Agosto 30, 2021, sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 Delta va­riant.

“The Metropolitan Manila Development Autho­rity denies a news report quoting Parañaque City Mayor Edwin Olivarez that all the metro mayors have agreed to extend the enhanced community qua­rantine (ECQ) until August 30,” ayon sa pahayag ng MMDA.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na nakausap niya si Mayor Olivarez at nagsabi na walang naganap na pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) at walang katotohanan ang lumabas na artikulo.

Nakatuon umano ang mga alkade ngayon sa monitoring sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang mga hurisdiksiyon, sa vaccination rollout, at pamamahagi ng ayuda sa mga pamil­yang lubhang apektado ng
ECQ.

Ani Abalos, anumang rekomendasyong mabubuo ng MMC ay ibabatay sa mga datos, kakayahan ng lokal na pamahalaan at mga eksperto sa health at economic.

Sinabi naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na wala pang basehan para desisyunan kung dapat i-extend ang pinakamahigpit na lockdown o ECQ.

 

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with