^

Police Metro

60-day price freeze sa essential goods ipatupad

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kabilang na ang oxygen tanks ay iminungkahi ni Senator Imee Marcos na magpatupad muli ang gobyerno ng 60-day price freeze nga­yong araw sa pagsisimula ng enhanced community quarantine (ECQ).

Hiniling din ni Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine National Police (PNP) na bantayan ang mga palengke, supermarkets at mga supplier ng medical equipment sa National Capital Region (NCR) plus at iba pang lugar na napapaulat na nagkakaroon ng panic buying at hoarding.

Dapat anya na i-mo­nitor at kasuhan ng DTI at PNP ang mga consumers na sobra-sobrang bumili ng mga produkto para hindi maubusan ang ibang na­ngangailangan.

Partikular na tinukoy ng mambabatas ang ulat na nagkakaubusan na ng oxygen tanks at accessories nito sa Cebu City at Aklan dahil sa biglaang pagsipa ng kaso ng COVID-19.

Maaari anyang maharap sa mabigat na parusa ang sinumang hoarders at profiteers sa ilalim ng Consumer Act o Republic Act (RA) No. 7394 at Price Act o Republic Act 7581 na may katapat na multa at parusang pagkakakulong.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with