SIM swap scam bagong modus

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Globe telecom tungkol sa bagong modus na SIM swap scam na ang target ay ang mga gumagamit ng cellphone na kapag nabitag ka ng mga scammer ay makukuha lahat ng data na nakalagay sa iyong cellphone.

Katulad ng iyong bank account number, email address, ID, mobile number at iba pa na karaniwan ay makikita sa mga social media post.

Kaya’t hindi ligtas  i-share sa mga social media account ang address at birthday, bill sa kuryente, pa­ngalan ng aso mo, ang paborito mong pelikula, o picture ng credit card, school o company ID, at passport na posibleng magpahamak sa iyo.

Mag-ingat din sa mga phishing email o text na ginagaya ang itsura o tono ng mga mensahe na ga­ling sa mga kompanyang kilala o pinagkakatiwalaan ng karamihan.

Kaya naman ay mahigpit na paraan ang ginagawa ng Globe para maiwasan ang hindi otorisadong  pagpapalit ng SIM na kailangang maghintay ng 24 oras bago ma-reactivate ang bagong SIM para magawa pa ang mas matinding verification.

Kailangan na rin ang notarized affidavit of loss kapag nag-request ng kapalit sa nawalang SIM tulad ng requirements sa bangko ‘pag nawala ang iyong debit card o passbook.

Show comments