_pang-masa
^

Police Metro

Ayuda sa Metro Manila posibleng simulan bukas

Mer Layson - Pang-masa
Ayuda sa Metro Manila posibleng simulan bukas
“Siguro pagpatak ng ating ECQ, pilitin na­ting masimulan na yan,” ayon kay Interior Secretary Eduar­do Año sa isang pa­nayam sa radyo. “Sa lalong madaling panahon kasi kailangan nating mabigay itong ayuda,” dagdag nito.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na target nilang masimulan nga­yong Biyernes ang distribusyon ng cash aid para sa mga residente ng Metro Manila na maaapektuhan sa ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) na layuning mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19. 

“Siguro pagpatak ng ating ECQ, pilitin na­ting masimulan na yan,” ayon kay Interior Secretary Eduar­do Año sa isang pa­nayam sa radyo. “Sa lalong madaling panahon kasi kailangan nating mabigay itong ayuda,” dagdag nito.

Una nang sinabi ng Malacañang na aabot sa 13 milyong katao sa National Capital Region (NCR) ang mapapasailalim sa ECQ na ipatutupad simula bukas Agosto 6 hanggang 20. Aabot anila sa 10.7 milyong residente ang makakakuha ng tig-P1,000 cash assistance bawat isa o P4,000 para maximum na apat na miyembro ng pamilya.

Sinabi ni Año na aabot sa P11.2 bilyong halaga ng ayuda ang ilalaan bilang tulong-pinansiyal sa mga mamamayan. 

Ang pinal aniyang listahan ng mga benepisyaryo ay depende sa lokal na pamahalaan. Ang tulong-pinansiyal ay maaari umanong ipamigay sa mga residente sa pamamagitan ng distribution points, house-to-house o transmittance centers. 

Samantala, tiniyak ng kalihim na ang lahat ng Authorized Persons Outside Residence (APOR), kabilang na ang mga hindi pa bakunado ay maaa­ring lumabas ng bahay sa panahon ng ECQ. Gayunman, kailangan nilang magpakita ng katunayan na sila ay APOR gaya ng identification (ID) cards o dokumentasyon na sila ay nagtatrabaho sa industriya na pinapayagang mag-ope­rate sa panahon ng ECQ.

Ang manufacturing at food delivery businesses naman ay papayagang mag-operate sa panahon ng ECQ. 

DILG ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with