_pang-masa
^

Police Metro

Delta variant pasok na sa 9 lungsod sa NCR

Danilo Garcia - Pang-masa
Delta variant pasok na sa 9 lungsod sa NCR
Commuters walk along the sidewalk on EDSA, a major thoroughfare in Metro Manila, on Sunday, March 14, 2021.
The STAR/Michael Varcas,

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na 9 na lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakapagtala na ng Delta variant ng COVID-19, may ilang araw bago ang pagpapairal ng panibagong enhanced community qua­rantine (ECQ) sa rehiyon na magsisimula bukas.

“Nine out of the 17 cities in NCR are with Delta variant as of August 1,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na kabilang sa mga naturang lungsod ang Malabon na may apat na kaso na ng Delta variant; Makati na may tatlong kaso; San Juan na may dalawang kaso; Las Piñas na may 14 na kaso; Valenzuela na may isang kaso; Pasig na may anim na kaso; Mandaluyong na may dalawang kaso; Maynila na may 12 kaso; at Caloocan na may apat na kaso.

Batay sa datos ng DOH, sa kasalukuyan ang Pilipinas ay mayroon nang 216 kumpirmadong kaso ng Delta variant.

Iniulat din ni Vergeire na ang NCR ay nakapagtala na ng average na 1,535 bagong kaso ng COVID-19 kada araw, mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2.  Ito ay mas mataas ng 65% kumpara sa mga kasong nairekord noong nakaraang linggo.

Inilagay na ang Pateros at Malabon sa “critical risk classification” dahil sa mataas na “2-week case growth rate” at “average daily attack rate” (ADAR) habang ang iba pang bahagi ng Metro Manila maliban sa Marikina at Caloocan ay nasa “high-risk classification”.

ECQ NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with