_pang-masa
^

Police Metro

‘TUPAD’ ikinasa na para sa mga mawawalan ng trabaho sa ECQ

Danilo Garcia - Pang-masa
âTUPADâ ikinasa na para sa mga mawawalan ng trabaho sa ECQ
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, gagamitin nila ngayon ang porsyon ng kanilang “emergency employment fund” para muling magkaroon ng TUPAD sa NCR sa loob ng dalawang linggong ECQ.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) para mabigyan ng trabaho o pangkabuha­yan ang mga maaapektuhang “informal workers” sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, gagamitin nila ngayon ang porsyon ng kanilang “emergency employment fund” para muling magkaroon ng TUPAD sa NCR sa loob ng dalawang linggong ECQ.

Sa datos ng DOLE, maaaring umabot sa 300,000 hanggang 400,000 ng mga manggagawang maaapektuhan ng ECQ sa NCR.

Pinondohan ang TUPAD sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act at may nalalabi pa itong P4 bilyon pondo para sa buong pagpapatupad nito.

Para naman sa mga “formal workers” na maaapektuhan din ng ECQ, hiniling na ng DOLE sa Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ng isang pormal na liham na maglaan ng P2 bilyong supplemental budget para pagkalooban ang mga manggagawa ng tulong-pinansyal sa ilalim ng social amelioration program.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with