_pang-masa
^

Police Metro

10 milyong Pinoy target na maging ‘fully vaccinated’ bago ang ECQ

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 10 milyong Pilipino ang tinatarget ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang maging “fully vaccinated” bago ang paiiraling enhanced community qua­rantine (ECQ) sa Metro Manila bukas, Agosto 6.

Sinabi ni NTF deputy chief implementer Vince Dizon, nasa 9,825,466 indibiduwal na ang fully vaccinated at inaasahan na maaabot nila ang 10 milyon ngayong Huwebes.

Ipinagmalaki ni Dizon na nakapagbakuna sila ng 680,000 indibidwal nitong Martes, na siyang pinakamataas na bilang na kanilang naabot mula nang mag-umpisa ang vaccination program ng pamahalaan noong Marso, 2021.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 21,891,012 doses ng bakuna ang kanilang naibigay kung saan 12 milyon ang mga unang doses at 9.8 milyon ang ikalawang dose na.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 milyong populasyon para maabot ang “herd immunity” at tuluyang mabuksan na ang ekonomiya ng bansa.

Aabot pa lamang ang 9.8 milyong fully vaccinated sa 13.87% ng target na populasyon na babakunahan.  

May average ang bansa na 3.7 milyong indibiduwal na nababakunahan kada linggo.

Nabatid na nakatanggap na ang Pilipinas ng kabuuang 37,275,800 doses ng COVID-19 vaccines mula noong Pebrero. Inaasahan na tatanggap pa ang bansa ng karagdagang 22,726,000 doses ngayong buwan ng Agosto.

COVID-19 VACCINE ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with