_pang-masa
^

Police Metro

Kumpara sa naunang ipinatupad na lockdown ECQ sa NCR, mas magiging istrikto

Mer Layson - Pang-masa
Kumpara sa naunang ipinatupad na lockdown ECQ sa NCR, mas magiging istrikto
Dinagsa ng mga tao ang supermarket sa Las Piñas City upang bumili ng kanilang mga pangangailangan bilang paghahanda sa dalawang linggo na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila simula Agosto 6.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Magiging mas istrikto ang ipa­tutupad na enhanced community qua­rantine (ECQ) sa Metro Manila simula Agosto 6 hanggang 20, kumpara sa mga naunang ipinatupad na lockdown.

Ito ang tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang lahat ng mga lalabag sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) ng pamahalaan ay sisitahin muna ng mga pulis at kung hindi tatalima ang mga ito sa instraksiyon na ibibigay sa kanila ay kaagad silang aarestuhin.

Papatawan rin aniya ang mga ito ng parusa base sa ipinatutupad na mga ordinansa na inilabas ng mga lokal na pamahalaan.

Magpapakalat rin ng mga police personnel sa mga lugar na madalas na maraming tao at nagkaroon na ng mga dating paglabag.

Matatandaang umapela ang mga alkalde ng Metro Manila na isailalim muli ang rehiyon sa ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

ECQ LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with