_pang-masa
^

Police Metro

Delta variant dahilan ng pagtaas ng COVID-19 cases — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Delta variant dahilan ng pagtaas ng COVID-19 cases â DOH
Churchgoers attend the first Friday mass at the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na ang Delta variant ang panguna­hing dahilan ng pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga nakalipas na araw.

“Looking at our cases right now, it’s exponentially rising, so sa tingin po namin talaga Delta variant is driving the rise in the number of cases,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Pero, hindi rin isinan­tabi ni Vergeire na maaa­ring nakakadagdag rin sa mga bagong kaso ang iba pang variants of concern gaya ng Alpha at Beta.

Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na hindi pa rin makumpirma ng DOH kung nagkakaroon na nga ng community transmission ng Delta variant sa bansa.

Ngunit hindi na umano maiiwasan ang pagkakaroon ng ‘community transmission’ ng Delta variant dahil sa pagiging ‘high-transmissible’ nito o mas higit na mabilis na maipasa.

Makatutulong anya, ang ipatutupad na istriktong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20 upang maiwasang lumobo ng hanggang 15,000 ang naitatalang daily cases ng COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with