_pang-masa
^

Police Metro

Duterte inaprub na ang pagbibigay ng ayuda sa NCR

Gemma Garcia - Pang-masa
Duterte inaprub na ang pagbibigay ng ayuda sa NCR
Residents of Batasan Hills in Quezon City line up to receive their financial assistance from the government on the second day of distribution on April 8, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng ayuda ang nasa 80% populasyon ng National Capital Region (NCR) na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) simula Agosto 6.

Ito ang sinabi ni Senador Bong Go matapos na aprubahan ni Pangulong Duterte ang pondo para sa cash aid mula 1,000 bawat isa hanggang P4,000 bawat isang pamilya mula sa low income group.

Base sa Department of Budget and Management (DBM) ang nasabing cash assistance ay ibibigay umano sa tinatayang 10.8 milyon katao na 80% ng 13 milyon na populasyon sa Metro Manila.

Hinikayat naman ni Go ang local government units (LGUs) na siguruhin na mapupunta ang cash assistance sa mga kwa­lipikadong benepisyaryo  at tamang oras at maayos itong maipamahagi dahil direktang ibababa ang pondo sa LGUs.

Kabilang umano sa makakakuha ng cash assistance ay ang mga higit na naapektuhan sa panahon ng ECQ lalo na ang mga daily wage earners na nawalan ng kita dahil hindi sila makapasok sa kanilang mga trabaho.

ECQ NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with