_pang-masa
^

Police Metro

NCR may delta community transmission na — OCTA

Danilo Garcia - Pang-masa
NCR may delta community transmission na â OCTA
Marikina residents are seen inside the public market of the city on July 28, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbabala muli sa publiko ang independent OCTA Research group ng iba­yong pag-iingat dahil sa nakikita nila na may nagaganap nang “community transmission” ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) base sa pag-analisa ng mga bagong datos.

“We’re an independent group, (and) we can say based on statistics, based on sampling, yung nakita nating Delta variant cases, tumataas na sa 25 percent. Dati, nasa 15 percent,” ayon kay OCTA fellow Prof. Guido David.

Base dito, maaaring may 300 bagong kaso ng Delta variant na sumusulpot na kada araw sa National Capital Region (NCR).

“Kung 300 cases per day, masasabi natin talagang merong community transmission. In the interest of safety, kahit wala pang confirmation na community transmission, it’s better to assume na merong community transmission para magdoble ingat tayo,” katwiran naman ni David sa kanilang pagpapalabas ng babala sa publiko.

Sa pinakahuling datos ng DOH noong nakaraang Miyerkules, nasa kabuuang 216 kaso na ng Delta variant ang natukoy sa bansa kung saan may 16 na lamang na aktibo, walo ang nasawi at 192 ang ganap na nakarekober na.

Idinagdag pa ni David na ang Delta variant na ang huling balakid na kailangang lusutan ng Pilipinas ngayong taon.  Kapag mas marami na ang nabakunahan at nalagpasan ang Delta va­riant, inaasahan naman na may mas masayang mga buwan na darating.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with