_pang-masa
^

Police Metro

Paghahanda sa pag-lockdown sa Metro Manila boundaries ng NCR plus selyado na

Doris Franche - Pang-masa
Paghahanda sa pag-lockdown sa Metro Manila boundaries ng NCR plus selyado na
Nag-um­pisa na kahapon ang checkpoint ng mga tauhan ng Highwy Patrol Group (HPG) at Ca­vite police sa Bacoor-Las Piñas junction sa kahabaan ng coastal road bilang paghahanda sa nalalapit na pagpapairal ng ECQ sa Agosto 6-20 dahil sa pagtaas ng Delta variant.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bantay-sarado na sa pamamagitan ng mga inilatag na police checkpoins ang mga boundaries ng National Capital Region (NCR) plus bilang paghahanda sa pagsasailalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa darating na Agosto 6 hanggang 20.

Kaya naman sinimulan na kahapon ng mada­ling araw ng Philippine National Police (PNP) ang Quarantine Control Points sa mga nasabing boundaries ng NCR plus na partikular na ipinatupad ng PNP-Joint Task Force Covid Shield sa utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang pagsunod sa IATF Resolution No. 130-A.

Sa boundary ng San Jose Del Monte, Bulacan at North Caloocan, tsine-check ang bawat sasakyang papasok ng Metro Manila upang  maberipika kung ang mga pasahero ay otorisado o hindi.

Hinahanapan ng ID at mga essential workers lamang ang pinapayagan at  iniinspeksiyon din kung ang mga ito ay sumusunod sa minimum health protocols kabilang ang paggamit ng face masks at face shields.

Una nang sinabi ni DILG Secretary Eduar­do Año, nais nitong matiyak na mga Authorized Persons Outside of Residence lamang ang makalabas at makapasok sa mga borders ng NCR, Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.

Lahat aniya ng unauthorized person outside of residence (UPOR) ay hindi papayagan at pababalikin sa kanilang bahay.

Ang muling paghigpit sa implementasyon ng istriktong border controls sa NCR+ areas ay para mapigil ang pagkalat ng Delta variant.

Pero, paalala ng DILG Chief sa PNP na payagan ang free movement ng cargo/delivery vehicles lalo na ang mga nagdadala ng pagkain sa lahat ng quarantine control points. - Mer Layson

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with