_pang-masa
^

Police Metro

Nueva Vizcaya gob, 16 pa pinakakasuhan ng DOJ sa Ombudsman

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inirekomendang kasuhan ng paglabag sa anti-graft law ang gobernador ng lalawigan ng Nueva Vizcaya at 16 na iba pa matapos umanong makitaan ng ‘probable cause’ tungkol sa reklamo ng hindi umano natapos na proyekto na flagship pro­ject ng gobyerno na pinondohan ng halagang P149 milyong piso.

Inendorso sa Office of the Ombudsman ni DOJ Sec. Menardo Guevarra ang reklamong paglabag ng Section 3 ng Republic Act (RA) No.3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Sec. 65 ng RA No. 9184 o the Government Procurement Reform Act si Governor Carlos Padilla.

Kabilang umano sa mga proyektong sinasabing hindi natapos ay ang Nueva Vizcaya Convention Center, Improvement at Expansion ng Provincial Capitol Building Phase 1 and 2, at Conference Hall sa Lower Magat Eco-Tou­rism Park sa Diadi, Nueva Vizcaya.

Nabatid mula sa pinag­samang investigation ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ng National Bureau of Investigation - Special Action Unit (NBI- SAU) pinasasampahan ng kapareho ring kasong kriminal ang iba pang opisyal at dating opisyal sa Nueva Vizcaya.

Nauna na ring inirekomenda ni PACC Commissioner Atty. Danilo D.C. Yang na ilagay sa preventive suspension ang mga respondent na si Governor Padilla at labing 16 na iba pa, upang maiwasan na maipluwensyahan ang imbestigasyon, takutin ang potential witness at tampering ng mga records o ng mga dokumento.

Nitong huling SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi na paiigtingin pa ng kanyang nalalabing panahon sa kanyang termino ang kampan­ya laban sa kurapsiyon sa gobyerno.

DOJ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with