_pang-masa
^

Police Metro

‘House-to-house’ na pagbabakuna aprub sa DOH ‘pag pinairal ang ECQ

Ludy Bermudo - Pang-masa
âHouse-to-houseâ na pagbabakuna aprub sa DOH âpag pinairal ang ECQ
A health worker prepares an injection of the AstraZeneca/Oxford Covid-19 vaccine on February 7, 2021 at the Mignot Hospital in Le Chesnay near Paris.
AFP/Alain Jocard

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang hawaan ng sakit dahil sa mahabang mga pila, pabor ang Department of Health (DOH) na magbahay-bahay sa pagbabakuna upang ligtas na makapagpaturok ang mga mamamayan laban sa COVID-19 kapag pinairal na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makakatulong ang house-to-house vaccination para masigurong bakunado ang mga tao sa mga komunidad.

Paliwanag ni Vergeire, mas ligtas din ang ganitong pamamaraan ng pagbabakuna dahil may mga tao lang na iikot at magbabahay-bahay sa halip na mga residente pa ang pumunta sa vaccination sites at pu­mila nang mahaba.

“Sa tingin namin ma­ganda ’yan na strategy, kasi una sa lahat, hindi magkukumpul-kumpol ang mga tao. Ang iikot po ang magbabakuna at hindi na kailangang pumunta ng mga tao sa ibang lugar para magpabakuna,” ani Vergeire.

Bukod dito, isinusulong din ng DOH ang pagkakaroon ng iba pang ligtas na pamamaraan sa pagbabakuna gaya ng pag-i-iskedyul ng bakuna at pagkakaroon ng mas malalaking vaccination sites para matiyak na mayroong physical distancing.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with