_pang-masa
^

Police Metro

Quezon City massacre: 3 miyembro ng pamilya, utas

Mer Layson - Pang-masa
Quezon City massacre: 3 miyembro ng pamilya, utas
Ang mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Jesusa Ugay Tabucol, 59, may asawa, OFW recruiter, tubong Pangasinan; Jeheart Ugay Tabucol, 21, binata, walang trabaho, at isang babae na nakilala lamang sa alias “Trixy”, nasa edad 20-30; pawang residente ng Unit 14 Building 21 MRB St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Graphics by RP Ocampo

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng tatlong miyembro ng isang pamilya matapos silang pagbabarilin ng isang ‘di kilalang lalaki na naka-face mask sa loob mismo ng kanilang condominium unit sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling araw. 

Ang mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Jesusa Ugay Tabucol, 59, may asawa, OFW recruiter, tubong Pangasinan; Jeheart Ugay Tabucol,  21, binata, walang trabaho, at isang babae na nakilala lamang sa alias “Trixy”, nasa edad 20-30; pawang residente ng Unit 14 Building 21 MRB St., Brgy. Commonwealth, Quezon City. 

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong alas- 3:40 ng madaling araw nang maganap ang naturang masaker sa loob mismo tahanan ng mga biktima. 

Sa ulat ni P/Cpl. Nido Gevero Jr., na isang alyas “Rannie”, residente rin ng naturang lugar at nakatalaga sa Local Congregation of Pilot, ang nakadiskubre sa krimen.

Nauna rito, naka-duty umano si Rannie sa trabaho na malapit lang sa tinutuluyang condo unit, nang makatanggap ng mensahe sa Facebook mula sa kaibigan na nagtanong kung may narinig siyang mga putok ng baril mula sa tinitirhan niyang condo. 

Dahil dito, agad na umuwi si Rannie upang beripikahin ang natanggap na impormasyon. Pagda­ting umano niya sa lugar ay napansin niyang bukas ang gate ng kanilang condominium building. Napuna rin umano niya na bukas din maging ang tahanan ng mga biktima. Sumilip umano siya sa bukas na pintuan at dito na bumulaga sa kanya ang nakahandusay at duguang mga biktima. 

Natukoy ng mga awtoridad na mayroong nag-iisang salarin na pumasok sa unit ng mga biktima at kaagad silang pinaulanan ng bala, gamit ang ‘di pa batid na kalibre ng baril. Wala umanong nakakilala sa suspek dahil nakasuot ito ng kapote, cap, at face mask. 

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with