_pang-masa
^

Police Metro

Sa ipatutupad na ECQ sa NCR 1 lang sa pamilya ang pwedeng lumabas!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Sa ipatutupad na ECQ sa NCR 1 lang sa pamilya ang pwedeng lumabas!
A resident walks along an almost empty street in Manila on March 29, 2021, on day one of government's imposing stricter lockdown, as hospitals in the capital struggle to cope with a surge in coronavirus infections.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Gaya ng unang ipinatupad na lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) sa unang pagtama ng COVID-19 sa bansa ng nakalipas na taon, asahan nang isa lang sa mi­yembro ng pamilya ang pahihintulutang makalabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa loob ng dalawang linggo na magsisimula sa Agosto 6.

“Simula ng ECQ, maa­aring isa lang ang hahaya­ang lumabas para makakuha ng panga­ngailangan sa kanilang mga bahay (At the start of ECQ, maybe one person will be allowed to leave their homes to buy essentials),” ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. sa Laging Handa public briefing kahapon.

 “Ang ating hina­hangad na limitahan muna ang paggalaw ng ating mga kababayan nang sa ganon ang transmission ng bagong mutation ng COVID-19 ay mapigil,” ani Padilla.

Tiniyak ni Padilla na bago magsimula ang ECQ, ilalabas ang guidelines kaugnay sa cash aid, public transportation, at paggalaw ng mga tao sa panahon ng 2-linggong hard lockdown.

Papayagan lamang sa ilalim ng ECQ ang essential trips at services, habang ang GCQ with heightened restrictions at additional restrictions protocol ay tinanggal na ang indoor at al fresco dining kaya’t maari na lamang ang take-out.

Una nang pinakinggan ng IATF ang naging rekomendasyon ng Metro Manila Council para sa mas mahigpit na quarantine status sa NCR.

 

Related video:

ECQ NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with