_pang-masa
^

Police Metro

‘Brigada Eskwela’ kasado na sa Agosto 3

Mer Layson - Pang-masa
âBrigada Eskwelaâ kasado na sa Agosto 3
“Ang Brigada Eskwela 2021 ay naglalayong pagtibayin ang pagbabayanihan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga stakeholders para sa pa­tuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa kabila man ng pan­demya ngayong dara­ting na pasukan,” anang DepEd.

MANILA, Philippines — Nakatakda nang si­mulan ng Department of Education (DepEd) ang “Brigada Eskwela” para sa School Year 2021-2022 sa Agosto 3, Martes. 

Ayon sa DepEd, ang magiging tema ng Brigada Eskwela ngayong taon ay ‘Bayanihan para sa Paaralan.’ 

“Ang Brigada Eskwela 2021 ay naglalayong pagtibayin ang pagbabayanihan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga stakeholders para sa pa­tuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa kabila man ng pan­demya ngayong dara­ting na pasukan,” anang DepEd. 

Inaanyayahan naman ng DepEd ang mga mamamayan na birtuwal na makilahok sa National Kick-Off Ceremony ng Brigada Eskwela na gaganapin sa Agosto 3, 2021 sa pangunguna ng SDO Tagum City ng DepEd Region 11, sa ganap na ika-2:00 ng hapon, sa pangununa ni DepEd Secretary Leonor Briones. 

Inaasahang magkakaroon din ng sariling kick-off ceremony ang mga Regional Offices at Schools Division Offices sa kani-kanilang mga lugar. 

Magtatagal ang Brigada Eskwela hanggang sa Setyembre 30, 2021. 

BRIGADA ESKWELA DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with