_pang-masa
^

Police Metro

8 ‘kidnaper’ ng Chinese timbog sa Quezon City

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang walong hinihinalang kasapi ng “kidnap for ransom group” habang matagumpay na nasagip ang dayuhang dinukot at tinangkang ipatubos sa kanyang pamilyang nasa China, sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station 14 (PS-14) commander P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, ang mga naaresto na sina Jaypee Mangalindan, 22, ng Damarin?as City, Cavite; Ralph Garma, 29; Rustom Laurencio, 22; at Realan Labto, 33; pawang taga-Muntinlupa City; Glenn Garcia, 26; July Monterde, 20; Joel Mariano, 35; at Carlo Villador, pawang taga-Quezon City.

Sa ulat, alas-4:30 ng madaling araw ng Hulyo 30 nang maaresto ng mga tauhan ng PS-14 ang mga suspek sa loob ng JAS Salon and Spa sa 4-C Samat Road, Garcia Heights, Brgy. Holy Spirit.

Nauna rito, noong Hul­yo 29, alas-8:00 ng gabi ay nakipagkita ang biktimang si Qin Zhi Xuan, isang Chinese national, sa kanyang nobyang si Monterde na isa sa mga suspek, sa Korean Barbeque Grill sa Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit.

Matapos kumain, dinala umano ni Monterde ang biktima sa JAS Salon and Spa, kung saan narooon ang iba pang suspek. Dito umano nila piniringan, itinali at ikinulong ang biktima, at kinuha pa ang dalang cash nito na 20,000 RMB (Renminbi the official currency of China).

Sa pamamagitan ng cellphone ng biktima, kinontak ng grupo ang pamilya nito sa China at saka nanghingi ng ransom kapalit ng kalayaan nito. Natanggap na umano ng mga suspek ang ransom money na 60,000 RMB mula sa pamilya nito, sa pamamagitan ng Alipay Chinese account.

Gayunman, lingid sa kaalaman ng mga suspek, mayroong isang confidential informant ang nagsumbong sa mga tauhan ng PS-14 hinggil sa naturang pangingidnap sa dayuhan at itinuro kung saan nila ito itinatago hanggang sa isa­gawa ang raid na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakasagip sa biktima.

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with