_pang-masa
^

Police Metro

Drive-thru vaccination sa Maynila, larga na

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binuksan na sa publiko ang COVID-19 drive-thru vaccination site sa Maynila na matatagpuan sa Quirino Grandstand, sa tabi ng COVID testing site at ng Manila COVID-19 Field Hospital, kahapon ng umaga.

Mismong si Manila City Mayor Isko Moreno ang nanguna sa opening ng naturang vaccination site kung saan nasa 400 kaagad ang naitalang inisyal na naturukan ng COVID-19 vaccines kahapon.

Sinaksihan nina National Task Force (NTF) against COVID-19 Deputy Chief Implementor Secretary Vince Dizo,  DOH-NCR assistant regional director Dr. Paz Corrales at  Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ang pagbubukas ng bagong vaccination site, na pinuri sa nakitang bilis at maayos na sistema.

Ayon kay Moreno, maaaring magpabakuna dito ang mga indibiduwal na may sasakyan na may apat na gulong, gaya ng jeep o kotse. Gayunman, nilinaw na hindi pa puwedeng pumila ang mga nakamotorsiklo o bike sa ngayon.

Aniya, kailangan din munang mag-register online at magpa-schedule sa kanilang website. Maaa­ring apat na tao ang magpabakuna dito lulan ng isang sasakyan basta’t rehistrado silang lahat sa manilacovid19vaccine.ph website ng Manila City government at kahit isa lang sa kanila ang naka-schedule.

Kahit hindi taga-Maynila ay maaari rin umanong mag-register at sumama sa drive-thru vaccination.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with