Sa pagdeklara ng ECQ jobless at mahihirap sa Metro Manila, dadami
MANILA, Philippines — Sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6-20 ay higit na dadami ang bilang ng mawawalan ng trabaho at maghihirap na mamamayan.
Ito ang pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua na kung saan ay mawawala rin ang may P105 bilyong kita kada linggo sa panahon ng implementasyon ng ECQ.
Bukod dito ay aabutin sa 177,000 ang itataas na bilang ng mga mahihirap na mamamayan at 444,000 dagdag na mawawalan ng trabaho.
Ang muling pagsasailalim sa Metro Manila sa ECQ ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa rekomendasyon ng IATF na galing naman ang kahilingan sa Metro Manila mayors upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.- Malou Escudero
- Latest