_pang-masa
^

Police Metro

‘Di bakunado pwedeng lumabas — PNP Chief

Doris Franche - Pang-masa
âDi bakunado pwedeng lumabas â PNP Chief
Ito ang sinabi ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na taliwas sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na manatili na lang sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga ayaw magpabakuna.

MANILA, Philippines — “Hindi nila pipigilang lumabas ang mga taong hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.”

Ito ang sinabi ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na taliwas sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na manatili na lang sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga ayaw magpabakuna.

Paliwanag ni Eleazar, ang sinabi ng Pangulo ay paraan lamang upang kumbinsihin ang lahat na magpabakuna bilang proteksiyon sa COVID-19.

Sinabi ni Eleazar na marami pa rin ang nagdududa sa bakuna, subalit ito lamang sa ngayon ang posibleng solusyon bukod pa sa mga health protocols ang makaiwas sa virus.

Nanawagan naman si Eleazar sa mga tuma­tanggi pa rin na magpabakuna, na makinig sa payo ng mga health experts na epektibo ang bakuna laban sa CO­VID-19, kabilang ang Delta variant.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with