_pang-masa
^

Police Metro

DOH: Wala pang ‘community transmission’ ng Delta variant

Danilo Garcia - Pang-masa
DOH: Wala pang âcommunity transmissionâ ng Delta variant
This January 20 photo shows shoppers at Balintawak Market in Quezon City.
Released/Quezon City government

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang nagaganap na ‘community transmission’ ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagkaalarma ng publiko dahil sa panibagong paghihigpit ng pamahalaan nang isailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil umano sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Delta variant na umakyat na sa 216.

“Sa ngayon nakikita pa rin natin ang pagkaka-link ng mga kasong ito sa isa’t isa,” ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Hindi pa rin anya nagkaroon na ng pagtaas ng Delta variant dahil sa patuloy pa ang ginagawang sampling ng Phi­lippine Genome Center at National Institute of Health (NIH) na makapag-sequence lamang ng 750 samples kada linggo.

Hindi pa umano tiyak na ang Delta variant ang pangunahing dahilan para sa pagtaas ng mga bagong kaso ng CO­VID-19 nga­yon sa bansa.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with