_pang-masa
^

Police Metro

Tumaas pa ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila — OCTA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Tumaas pa ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila â OCTA
Sa latest monitoring report, ang NCR ay nagtala ng average na 1,096 bagong kaso kada araw mula July 23 hanggang July 29, o may 28% taas sa average na 854 arawang infections mula July 16 hanggang July 22.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Batay sa ulat ng OCTA Research group kahapon na mula sa 1.35 reproduction number ay umakyat pa sa 1.38 ang reprodcution number ng COVID-19 sa Metro Manila na nagpapakita ng mabilis na hawahan ng virus.

Sa latest monitoring report, ang NCR ay nagtala ng average na 1,096 bagong kaso kada araw mula July 23 hanggang July 29, o may  28% taas sa average na 854 arawang infections mula July 16 hanggang July 22.

Nakapagtala rin ang Metro Manila ng average daily attack rate (ADAR) na 7.85 cases per 100,000 population, healthcare utilization rate na 41%, ICU occupancy rate na 50%, at positivity rate na 9%.

Mula July 30 hanggang August 5 ay ipinaiiral sa Metro Manila ang general community quarantine na may heightened at dagdag na restrictions at mula August 6 hanggang August 20 ay ipaiiral ang pinakamahigpit na restrictions na enhanced community quarantine (ECQ) upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng Covid-19 lalo pa’t may Delta va­riant na sa bansa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with