_pang-masa
^

Police Metro

Pagtatatag ng Virology Institute aprub sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isa sa panukalang batas na ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang state-of-the-nation address (SONA) nitong Lunes.

Ito ay ang House Bill 9559 o ang paglikha at pagtatag sa Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) na iniakda ni Quezon Rep. Angelina Helen Tan, na ang pangunahing layunin ay makapagtayo ang Pilipinas ng isang virology research center.

Ayon kay Tan, chairman ng House Committee on Health, na ang pagtatatag sa nasabing ahensiya ay paunang hakbang para maituon ang pagpapaunlad at pananaliksik para sa virology science at technology applications sa mga halamanan o tanim, hayop at sa tao.

 “The VIP shall serve as the premier research and development institute and establish strategic partnerships with the world’s leading scientists, virology centers, and institutes, and conduct innovative and pioneering researches that will advance the frontiers of virology in the country,” wika ni Tan.

Binigyang diin ng kongresista na ang VIP ang siyang pangunahing mananagot at mangu­nguna sa preparasyon ng bansa laban sa pandemya at public health emergencies.

Ang VIP rin aniya ang magpapatupad ng mga polisiya, plano at mga programa gayundin ng mga proyekto ukol sa pagpapabuti at pagpapa-unlad sa teknolohiya para sa paglaban sa virus.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with