_pang-masa
^

Police Metro

Paglabag sa karapatang pantao ang pagbabawal na lumabas ng bahay ang di bakunado

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa umanong paglabag sa karapatang pantao na magdudulot ng deskriminasyon ang pagbabawal ng pamahalaan na makalabas ng kanilang bahay ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.

Ito ang sinabi ni Commission on Human Rights (CHR) Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, dahil limitado pa ang suplay ng bakuna sa bansa at hindi pa ganap na nauunawaan ng  ilang mamamayan ang kaha­lagahan ng vaccination program dahil sa mga maling impormasyon na nakukuha ng iba hinggil sa bakuna.

Sinabi ni De Guia, ang pahayag ng Pangulong Duterte na huwag palabasin ng bahay ang mga hindi pa bakunado ay may kaakibat na negatibong pananaw sa mga tao.

Mula nang simulan ang vaccination program sa bansa noong Marso ay may 7.8 milyong Pinoy pa lamang ang fully vaccinated at may  11.5 milyon ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with