_pang-masa
^

Police Metro

‘Di bakunado ‘wag lumabas ng bahay — Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
âDi bakunado âwag lumabas ng bahay â Duterte
Empty sit in a box waiting to be filed with the Moderna vaccine at a vaccination center in Londonderry, New Hampshire on February 4, 2021.
AFP/Joseph Prezioso

MANILA, Philippines — “Tiyakin na nasa loob ng bahay ang mga unvaccinated individuals o mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19 dahil ang mga ito ay “walking spreader”.

Ito ang utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga pulis at barangay officials na kung saan ay eskoratan ang mga hindi pa bakunadong indibidwal pabalik ng kanilang bahay at huwag hayaan ang mga ito na pakalat-kalat sa labas.

“Itong ayaw magbakuna, sinasabi ko sa inyo, ‘wag kayong lumabas ng bahay kasi ‘pag lumabas kayo, sabihin ko sa mga pulis na ibalik kayo sa bahay niyo because you are a walking spreader,” ayon sa Pangulo.

“Kaya kung ayaw ninyo makatulong by having the vaccines, ‘wag na lang kayo lumabas ng bahay,” dagdag na pahayag nito.

Inamin ng Pangulo na “defenseless” ang gobyerno pagdating sa pagbibigay parusa laban sa mga tumatangging magpabakuna.

Aniya, trabaho na ng barangay captains na tiyakin na ang mga nasabing indibiduwal ay nananatili sa kanilang bahay.

Sa kabilang dako, inatasan din ng Pangulo ang local government units na ibigay na lamang ang bakuna sa mga nagnanais na magpabakuna sa halip na hintayin ang mga taong ayaw talagang magpabakuna.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with