_pang-masa
^

Police Metro

Bilang ng health protocol violators bumaba

Mer Layson - Pang-masa
Bilang ng health protocol violators bumaba
Ang mga lumabag naman sa mass gathering at physical distancing ay nabawasan na mula sa dating 12,724 noong nakalipas na linggo ay naging 4,638 na lamang ito ngayon. Ikinatuwa naman ito ng kalihim at sinabing indikasyon ito na na­giging mas maingat na ang mga mamamayan at tumatalima sa health protocols.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagkaroon nang pagbaba ng bilang ng mga taong lumalabag sa ipinaiiral na health and safety protocol ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ito ang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pang. Rodrigo Duterte sa isang pre-recorded Cabinet meeting nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Año na nabawasan ang bilang ng mga lumalabag sa mandatory use ng face masks nitong nakalipas na linggo na mula sa dating mahigit sa 50,000 katao na naaresto noong nakaraang linggo ay umaabot na lamang sa 34,766 ang mga nahuli sa hindi pa rin pagsusuot ng face mask o kaya ay mali ang pagsusuot nito.

Ang mga lumabag naman sa mass gathering at physical distancing ay nabawasan na mula sa dating 12,724 noong nakalipas na linggo ay naging 4,638 na lamang ito ngayon. Ikinatuwa naman ito ng kalihim at sinabing indikasyon ito na na­giging mas maingat na ang mga mamamayan at tumatalima sa health protocols.

COVID-19 HEALTH PROTOCOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with