_pang-masa
^

Police Metro

Delta variant case umakyat na sa 216 — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’.

Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberipika pa.

Sa mga ROFs, dalawa ay mga tripulante ng MT Clyde at Barge Claudia na nakadaong sa Albay at apat ang mga crew naman ng MV Vega na kararating lang mula sa Indonesia.

Nasa 94 ang nakarekober na habang tatlo ang nasawi. 

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan para makakuha ng karagdagang mga impormasyon tulad ng kung sino ang mga nakasalamuha at ang kanilang ‘vaccination status’.

COVID-19 DELTA VARIANT DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with