_pang-masa
^

Police Metro

Pinas muling itinaas sa ‘moderate risk’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa muling pagtaas ng mga kaso nitong linggo ay itinaas muli ng Department of Health (DOH) ang klasipikasyon ng Pilipinas sa ‘moderate risk’.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na matapos ang ‘slowdown’ o pagbagal ng mga kaso, naobserbahang muli ang pagtaas ng mga kaso nitong kalagitnaan ng Hulyo sa bansa na dahilan para itaas ang klasipikasyon sa ‘moderate-risk’.

Nabatid na ang two-week case growth rate ng bansa ay tumaas sa 1% mula Hulyo 11 hanggang 24 mula sa dating-10% mula Hunyo 27 hanggang July 10.

Tumaas rin ang national average daily attack rate (ADAR) sa 4.95 cases per 100,000 population sa nakalipas na dalawang linggo o mula Hulyo 11 hanggang 24. Mas mataas ito sa 1.88 cases per population noong Hunyo 27 hanggang Hulyo 10.

Matatandaang noong Hulyo 1, sinabi ng DOH na ang bansa ay nasa low risk classification matapos na makapagtala ng negative growth rate sa mga kaso at mas mababang ADAR.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with