^

Police Metro

Kung hindi magpapatupad ng lockdown hospitals sa Metro Manila, ‘aapaw’ sa Agosto

Mer Layson - Pang-masa
Kung hindi magpapatupad ng lockdown hospitals sa Metro Manila, �aapaw� sa Agosto
Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, na binasa sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam na kung saan ang health care utilization rate sa Metro Manila ay maaaring umabot sa 100% pagsapit ng Agosto 15.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Posibleng umapaw sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto ang mga ospital sa Metro Manila kung hindi agad magpapatupad ang national government ng community quarantine restrictions.

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, na binasa sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam na kung saan ang health care utilization rate sa Metro Manila ay maaaring umabot sa 100% pagsapit ng Agosto 15.

Ani Austriaco, sa sandaling magsimula ang surge ng Delta ay mabilis na itong dumami at kumalat.

Matatandaang hinihikayat ng grupo ang pamahalaan na agapan ang pagpapatupad ng “circuit-breaker lockdown” sa NCR upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 infections na maaaring dulot anila ng mas nakakahawang Delta COVID-19 variant.

Gayunman, inihayag naman ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) na wala pa sa antas na kailangan ng lockdown ng rehiyon at kailangan pa itong ikonsulta sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Babala naman ng eksperto, maaaring ma-overwhelm ng high transmission rate ang contact tracing capacity ng mga lokal na pamahalaan at mahirap magsagawa ng  tracing kung ang mga tao ay madalas na magpalipat-lipat sa iba’t ibang lungsod.

Kung magpapatupad ng early circuit-breaker lockdown sa Agosto 1, maaaring kailanganin lamang ng isa o dalawang linggo upang makabawi at magkaroon ng epektibong kontrol sa pandemya ang pamahalaan.

vuukle comment

HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with