^

Police Metro

Gordon na ‘fully-vaccinated’ nagpositibo sa COVID-19

Gemma Garcia - Pang-masa
Gordon na �fully-vaccinated� nagpositibo sa COVID-19
Nilinaw ng Senador na nabakunahan siya at ang kanyang asawa kontra COVID-19 at asympto­matic siya.
STAR/Joven Cagande

MANILA, Philippines — Nagpositibo si Sen.Richard Gordon sa COVID-19 at kasalukuyan siyang naka-quarantine sa kanilang bahay.

Nilinaw ng Senador na nabakunahan siya at ang kanyang asawa kontra COVID-19 at asympto­matic siya.

Nakakatulong naman umano sa maayos niyang kondisyon ang pagi­ging kumpleto niya ng bakuna ng AstraZeneca.

Wala umanong sintomas si Gordon, subalit pinasuri siya ng kanyang doktor kamakalawa ng gabi matapos na mapansin na matamlay at hindi kasing sigla ng karaniwan at kahapon ng umaga, lumabas ang resulta ng molecular laboratory na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.

Hindi naman umano alam ng Senador kung saan nakuha ang virus dahil negatibo naman ang lahat ng kanyang staff maging ang kanyang maybahay na kasabay niyang sinuri kamakalawa ng gabi.

Si Gordon ang pang-anim na senador na kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 virus. - Mer Layson

vuukle comment

COVID-19

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with