_pang-masa
^

Police Metro

Taong 2022 magwawakas ang paghahari ng NPA — Esperon

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Matatapos na ang paghahari-harian ng New People’s Army (NPA) sa susunod na taon kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa dami ng mga nagsisuko.”

Ito ang sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., at sinusunod nila ang utos ni Pangulong Duterte na tapusin ang kanilang mis­yon kaya puspusan ang kanilang operasyon kung saan maraming grupo ng komunista ang mabubuwag at susuko.

Matatandaang sa sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), na hindi lamang alalahanin ng militar ang kapayapaan kundi ng buong Filipino.

Kaya naman pinagtuunan ng NTF-ELCAC at ginawang panguna­hing programa ang Barangay Development Program (BDP) na siyang magbibigay kaunlaran sa mga lugar na dati nang pinamugaran ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa BDP, ang bawat barangay na naitaboy na ang mga komunistang-terorista ay nakatatanggap ng P20 milyong pondo­ para sa pagpapagawa ng isang kilometrong farm-to-market road na nagkakahalaga ng P12 milyon, P3 milyon para sa mga silid paaralan, P2 milyon para sa malinis na tubig at sanitasyon, P1.5 milyon para sa health station at P1.5 milyon para sa livelihood.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with