_pang-masa
^

Police Metro

Bilang ng mga pulis na nagpabakuna tumaas

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa naging babala sa mga pulis ang bagsik ng Delta variant ay tumaas ang bilang ng mga pulis na nagpabakuna.

Ito ang nabatid kay Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) at PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Joselito Vera Cruz.

Magugunita sa nakaraang datos ng ASCOTF, nasa 8.5% sa mga kapulisan ang ayaw magpabakuna pero ngayon, nasa 6.6% o nasa 14,455 na lamang ang ayaw.

Sinabi ni Vera Cruz, batay sa datos at survey na isinagawa ng PNP noong Hulyo 27, sumampa na sa 31,188 o nasa 14.28% police personnel ang fully vaccinated habang nasa 48,000 o 21.98% ang nabakunahan na ng first dose. Nasa 139,000 o 63.75% ang hindi pa nabakunahan.

Bagama’t wala pang kumpirmadong Delta va­riant sa hanay ng PNP, pa­tuloy pa rin ang kanilang apela sa mga pulis na magpabakuna.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with