^

Police Metro

Antibodies mula sa Sinovac nalulusaw kailangan ng ikatlong iniksyon

Danilo Garcia - Pang-masa
Antibodies mula sa Sinovac nalulusaw kailangan ng ikatlong iniksyon
Ito ang lumabas nga­yon sa isang pag-aaral ng mga eksperto sa China nang isailalim sa pag-aaral ang ‘blood samples’ ng 50 malulusog na adults na may edad mula 18-59 taong gulang.
AFP/CHAIDEER MAHYUDDIN

MANILA, Philippines — Kinakailangan ng ikatlong iniksyon bilang “booster shot” ang sinumang naturukan ng Sinovac dahil sa nalulusaw ang nabuong antibodies sa loob ng anim na buwan.

Ito ang lumabas nga­yon sa isang pag-aaral ng mga eksperto sa China nang isailalim sa pag-aaral ang ‘blood samples’ ng 50 malulusog na adults na may edad mula 18-59 taong gulang.

Sa mga lumahok na tumanggap ng dalawang dose ng Sinovac vaccine na may dalawa hanggang apat na linggong pagitan, nasa 16.9% at 35.2% lamang sa kanila ang may natukoy na antibodies matapos ang anim na buwan.

Hindi malinaw kung paano ang pagbaba ng antibodies ay makakaapekto sa bisa ng bakuna dahil sa hindi pa naman natutukoy ng mga siyentista ang lebel ng antibodies para malabanan ang coronavirus.

Nasa 540 partisipante ang binigyan ng ikatlong dose ng bakuna may anim na buwan makaraan ang ikalawang dose.

Dito nakita ang pagtaas ng hanggang limang beses ng bilang ng antibody matapos ang 28 na araw kumpara sa mga nabigyan lamang ng dalawang shot ng bakuna.

Inilathala na sa China ang resulta ng pag-aaral ngunit hindi pa sumasai­lalim sa ‘peer review’.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III na wala pang rekomendasyon ang ‘vaccine expert panel’ para magbigay ng booster shot sa mga naturukan ng Sinovac vaccine.

vuukle comment

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with