^

Police Metro

Hidilyn makakatanggap ng malaking halaga mula kay Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Hidilyn makakatanggap ng malaking halaga mula kay Duterte
Ayon kay Roque, iuukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Hidilyn at nangako si Duterte na magbibigay ng milyun-milyong piso sa sinumang makakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas.
AFP/Vincenzo Pinto

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makakatanggap ng malaking halaga na aabot sa mil­yun-milyong piso mula kay Pangulong Rodrigo Duterte si 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

Ayon kay Roque, iuukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Hidilyn at nangako si Duterte na magbibigay ng milyun-milyong piso sa sinumang makakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas.

Pero, tumanggi si Roque na tukuyin ang eksaktong halaga dahil posible pa aniya itong tumaas na karapat-dapat aniyang ibigay kay Hidilyn.

Sinabi rin ni Roque na kung ano man ang pagkukulang (sa suporta) noong magti-training pa si Hidilyn ay tiyak na mababawi dahil sa ibibi­gay ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Idinagdag ni Roque na hindi mababayaran ng salapi ang tagumpay ni Hidilyn at sasamahan ng gobyerno ng pabuya ang kanilang pagbati sa kauna-unahang Filipina na nag-uwi ng gintong medalya mula sa Olympics.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with