Duterte ‘di naospital pagkatapos ng SONA
MANILA, Philippines — Itinanggi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinugod siya sa ospital pagtapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA) kamakalawa ng gabi.
Ayon pa sa Pangulo, kumain pa siya sa isang restaurant pagkatapos ng SONA sa House of Representatives sa Quezon City.
Sa panayam ng dzBB, sinabi ni Duterte na maayos naman siya at hindi na lamang nagamit ang helicopter pabalik sa Malacañang dahil maulan.
Makikitang kasama ni Duterte sa video call ang partner na si Honeylet Avanceña at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.
Lumutang muli ang isyu sa kalusugan ng Pangulo matapos muntik na itong madulas sa loob ng session hall na agad namang naalalayan ng dalawa niyang security aides.
- Latest