_pang-masa
^

Police Metro

Mas mahabang curfew ipinatupad sa NCR

Doris Franche - Pang-masa
Mas mahabang curfew ipinatupad sa NCR
Kaya’t hiniling ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang pakikiisa ng publiko matapos ipatupad ng Metro Manila Council ang mas mahabang curfew na 10 p.m. hanggang 4 a.m.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dahil sa banta ng mas nakahahawa na COVID-19 Delta variant ay ipinatupad kamakalawa ang mas mahabang curfew hour sa National Capital Region (NCR).

Kaya’t hiniling ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang pakikiisa ng publiko matapos ipatupad ng Metro Manila Council ang mas mahabang curfew na 10 p.m. hanggang 4 a.m.

“At inaasahan ko din ang pagrespeto ng ating mga kababayan sa patakarang ito at pati na rin sa mga taong nagpapatupad nito,” wika pa ni Eleazar.

Pinatitiyak din ng opisyal sa mga pulis na hindi makalalabas ang mga bata.

“Huwag hayaang luma­bas ng bahay dahil mas delikado ang Covid-19 Delta variant na ating binabantayan sa ngayon. Mas delikado ito dahil mas mabilis itong makahawa at ang mga bata ay maaaring magsilbing super spreaders kapag sila ay na-expose sa coronavirus.”

Kaya’t binilinan ni Elea­zar ang mga pulis na gawing maayos ang pakikitungo sa mga mahuhuli at ipatupad ang maximum tolerance sa mga lumalabag sa pinalawig na curfew sa Metro Manila.

CURFEW NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with