_pang-masa
^

Police Metro

Duterte inamin sa SONA Illegal drugs, korapsyon patuloy pa rin

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte inamin sa SONA Illegal drugs, korapsyon patuloy pa rin
Binabantayan ng mga pulis upang hindi makalusot ang raliyista sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para hindi makalapit ang mga ito sa Batasan Complex na kung saan isinasagawa ang huling State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nananatiling namamayagpag ang illegal drugs at korapsyon sa bansa sa kabila ng ginawang reporma ng pamahalaan.

“While we were busy instituting reforms between ogres of illegal drugs and corruption laid low for a while only to resurface as still with us and make no mistake about it,” ani Pangulong Duterte sa kanyang pang-anim at panghuling State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa.

“Corruption is but another term of stealing people’s money dashing in its way in nation’s goals and aspirations,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Ang giyera laban sa ilegal na droga ay isa sa campaign promise ng Pangulo na wawalisin niya ang ilegal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan simula nang maupo siya sa puwesto noong 2016.

Simula nang magsimula ang kontrobersiyal na anti-narcotics campaign, ang huling naitala ng pamahalaan ay 203,715 drug operations na kanilang nagawa.

Sa operasyon na ito ay 6,147 drug suspects ang namatay habang 293,841 naman ang naaresto ng kapulisan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ipaprayoridad niya ang modernisasyon ng state security forces dahil sa patuloy na banta ng ilegal na droga, problema sa kriminalidad at insurgency.

Aniya, ang military at police ay hindi “well-equipped” para tugunan ang mga nasabing usa­pin.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with