_pang-masa
^

Police Metro

6 rehiyon binabantayan sa pagtaas ng COVID-19

Ludy Bermudo - Pang-masa
6 rehiyon binabantayan sa pagtaas ng COVID-19
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang mga rehiyon ay ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Central Visayas, at Northern Mindanao.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Anim na rehiyon sa bansa ang binabantayan ng Department of Health (DOH) dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang mga rehiyon ay ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Central Visayas, at Northern Mindanao.

Nabatid na nagtala ng 1.009 reproduction number sa Metro Manila; 0.95 sa Cagayan Valley; 1.12 sa Central Luzon; 0.98 sa CALABARZON; 1 sa Central Visayas; at 0.91 sa Northern Mindanao.

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong nahahawahan ng isang taong may COVID-19 kung saan ang lagpas 1 nito ay indikasyon ng mataas na hawahan.

Sinabi rin ni Vergeire na tumaas ng isang por­syento ang kaso ng sakit sa bansa nitong Hulyo 11 hanggang 24, pero hindi pa ito maituturing na COVID-19 surge ang pagtaas ng kaso.

Nakitaan din ng dalawang linggong positibong growth rate ang Cordillera at Ilocos Region habang binabantayan ang pagtaas ng ICU utilization rate sa Northern Mindanao at Davao region.

Binabantayan din ng kagawaran ang 26 probinsyang nakitaan ng mataas na daily attack rate at mga lugar na itinaas sa mode­rate risk mula sa low risk sa nakalipas na dalawang linggo.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with