^

Police Metro

Bangkay ng babae sa abandonadong kotse

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung hindi pa uma­lingasaw ay hindi ma­didiskubre ang naaagnas na bangkay ng isang babae sa loob ng isang inabandonang kotse sa tabi ng Maharlika Highway, Purok 6, Brgy. Don Tomas, Sta. Elena, Camarines Norte, kamakalawa.

Ang bangkay ay na­kilala sa pamamagitan ng nakuhang ID na si Mary Ann Galicia Esguerra, residente ng Cluster 24, Unit 1E, Cambridge Village, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Sa ulat, alas-8:50 ng umaga ilang residente ang napadaan sa naka­paradang silver Toyota Camry (UPZ-367) sa tabi ng highway at naa­moy ang masangsang na amoy mula sa loob ng sasakyan.

Nang silipin ay nakita ang bangkay ng isang babae sa backseat ng kotse kaya’t agad inireport sa mga otoridad.

Ayon sa ilang residente na umaga noong Hulyo 23 ay nakita nila ang nasabing kotse na nakaparada sa lugar.

Isinailalim na sa otopsiya ang bangkay upang malaman ang sanhi nang pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with