_pang-masa
^

Police Metro

5 Manilenyo tinamaan ng Delta variant

Ludy Bermudo - Pang-masa
5 Manilenyo tinamaan ng Delta variant
Ito ang kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos matanggap ang resulta mula sa Philippine Genome Center (PGC) na nagpositibo sa Delta variant ang limang residente sa lungsod matapos ang tatlong linggo.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Limang residente sa lungsod ng Maynila ang tinamaan ng COVID-19 Delta variant.

Ito ang kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos matanggap ang resulta mula sa Philippine Genome Center (PGC) na nagpositibo sa Delta variant ang limang residente sa lungsod matapos ang tatlong linggo.

Sa kasalukuyan ay nasa mabuti nang kala­gayan ang limang tinamaan ng Delta variant na ang isa ay residente sa Sampaloc, isang residente sa Parola, isang residente sa Gagalangin sa Tondo, isang residente sa Ermita, at isa sa Taft Avenue.

Nagsagawa na rin ng contact tracing at pagsusuri sa mga kamag-anak at nakausap ng mga tinamaan ng nasabing variant kung saan ilan sa kanila ay nagnegatibo at ilan ay nagpositibo sa pangkaraniwang COVID-19 ngunit sa ngayon ay ma­galing na.

Sa isinagawang pagsusuri sa mga nagpositibo sa nasabing sakit na nakasalamuha ng mga pas­yente ng COVID-19 na may Delta variant, hindi aniya pumasa ang mga ito sa Cycle Threshold Value o CT Value para ipasa upang mapasuri sa Genome Center.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with