_pang-masa
^

Police Metro

Duterte sa LGUs: ‘Wag papilahin sa bahang lugar ang mga magpapabakuna

Gemma Garcia - Pang-masa
Duterte sa LGUs: âWag papilahin sa bahang lugar ang mga magpapabakuna
Ito ang apela ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa local government units (LGUs) matapos na makatanggap ng ulat na sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha ay naka­pila pa rin ang mga tao sa vaccination sites sa Metro Manila, kabilang na ang Maynila at Mandaluyong maturukan lang ng bakuna laban sa covid-19 nga­yong linggo.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — “Gamitin” ang common sense at hu­wag pag­hintayin ang mga tao sa pila habang umuulan at may tubig-bahang lugar para lamang mabakunahan laban sa COVID-19.

Ito ang apela ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa local government units (LGUs) matapos na makatanggap ng ulat na sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha ay naka­pila pa rin ang mga tao sa vaccination sites sa Metro Manila, kabilang na ang Maynila at Mandaluyong maturukan lang ng bakuna laban sa covid-19 nga­yong linggo.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang ipinatawag na special meeting kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa Malacañang na kailangan na magpalabas ang LGUs ng mas matinong proseso ng pagbabakuna na papayagan ang mga tao na pumila “as early as 4 a.m.” at mabakunahan ng “9 a.m.”

“Cold people are exposed in the open, unprotected from the elements then they are waiting to get a chance to have the shot, mga 3 to 4 hours magtindig diyan. Sa bagay, baha ngayon diyan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Kaya’t sinabihan ni Pangulong Duterte si Interior Secretary Eduardo Año na magpalabas ng direktiba na magbibigay kautusan sa LGUs na maging mas “proactive” at “circumspect especially now that the Southwest Monsoon is passing the country na. It’s not the way to do it.”

Sinabi ng Punong Ehekutibo na kailangan na maghanap ang mga alkalde at barangay kapitan ng tuyo at malaking lugar para magsagawa ng pagbabakuna at maayos na iorganisa ang iskedyul para sa pagbabakuna.

“Para bang to me, it’s bullsh*t kapag ganun ang ginagawa mo sa Filipino if you can’t do it in a place where there’s roof and cover their heads na hindi sila mabasa. Not exposed to elements. Umagang-umaga, [nakita ko], naku Dios ko po, bakit naman ganun,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Binalaan naman ni Pangulong Duterte ang mga LGU na huwag nang maulit pa ang nasabing insidente dahil kawawa ang mga tao sa sakit.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with