_pang-masa
^

Police Metro

Signal jamming ipinatupad sa lugar ng SONA

Doris Franche - Pang-masa
Signal jamming ipinatupad sa lugar ng SONA
Ito ang sinabi ni National Capital Region Police Office chief Police Major General Vicente Danao Jr., na kinakaila­ngang gawin upang matiyak ang seguridad ng SONA.
Presidential photos/File

MANILA, Philippines — Ipinatutupad ngayong araw na ito ng kapulisan ang signal jamming at limitado rin ang lugar ng mga raliyista habang isinasagawa ng huling State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni National Capital Region Police Office chief Police Major General Vicente Danao Jr., na kinakaila­ngang gawin upang matiyak ang seguridad ng SONA.

Upang hindi makaapekto sa daloy ng trapiko at maiwasan ang hawaan, nagtalaga ng lugar ang pulisya para sa mga magsasagawa ng protesta.

Nabatid na hanggang St. Peter’s sa Tandang Sora, Quezon City lang maaaring magrali ang iba’t ibang cause oriented groups.

Sa banta ng Delta variant, umapela si Da­nao sa mga raliyista na ikonsidera ang kanilang pagtitipon upang maiwasan ang hawaan.

Napag-alamang mayroon ding lugar ang mga pro administration rallyist.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with