^

Police Metro

Tinedyer, tiyahin tiklo sa higit P136 milyong shabu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na binatilyo at kanyang tiyahin ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip na sina Michelle Castro, 39-anyos, may-asawa, walang trabaho, residente ng Block 14 Lot 24 Phase 1, Avida Settings, Brgy. Molino, Bacoor City, Cavite at kasama nito sa bahay na isang 16-anyos na binatilyo.

Base sa ulat, pasado 10:00 ng umaga nang isagawa ang drug operation mismo sa bahay ng mga suspek.

Isang PDEA agent ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang dalawa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 20 kilo ng shabu na may hala­gang P136,000,000,  dalawang unit ng Samsung Basic Phone na gamit sa pakikipagtransaksyon sa mga parukyano ng mga ito at buy-bust money.

Nakapiit na ang da­lawa at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.  

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with