_pang-masa
^

Police Metro

3 utas, 5 sugatan sa habagat

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlo ang naiulat na nasawi habang lima ang sugatan dahil sa malalakas na pag-ulan at hangin dala ng habagat.

Ito ang iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesman Mark Timbal na ang isa sa mga nasawi ay nahulugan ng puno habang ang dalawa ay tinamaan ng kidlat.

Lumikas naman ang 44,563 indibidwal na kasalukuyang nasa 81 evacuation center sa buong bansa.

Nakalabas na naman ng Philippine area of responsibility si Fabian ngunit patuloy na pala­lakasin nito ang habagat.

Pumalo na sa P12.38 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng habagat na pinalakas ni bagyong Fabian.

Sa ulat ng Department of Agriculture, 885 magsasaka ang apektado kung saan nasira ang 228 metric tons ng pananim ng 906 ektarya ng lupa sa Central Luzon, CALABARZON at Western Visayas.- Angie dela Cruz

HABAGAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with