_pang-masa
^

Police Metro

Maglola todas sa sunog

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa namatay ang bedridden na lola at kanyang 26-anyos na apo nang hindi makalabas sa nasusunog nilang stall sa loob ng isang public market sa  Caloocan City.

Kinilala ang maglo­lang nasawi na sina Pacita Demagos, 95 at apo nitong si Edwin Mendoza.

Batay sa ulat, mag-isa lang si Demagos sa loob ng kanilang stall sa public market sa Camarin, Brgy. 175 nang sumiklab ang sunog, alas-12:00 ng ha­ting gabi.

Halos matupok na ng apoy ang stall nang dumating ang apong si Edwin Mendoza at tinangka nitong iligtas ang kanyang lola.

Gayunman, dahil sa makapal na usok mula sa nasusunog na lenoleum flooring materials na ibinebenta nila sa kanilang stall ay hindi nagawang makalabas ni Mendoza matapos itong ma-suffocate.

Ang bangkay ng mag­lola ay nakuha kalaunan ng mga tauhan ng bumbero mula sa nasunog na stall.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with