_pang-masa
^

Police Metro

Mas mahabang curfew sa Metro Manila, muling ipatutupad

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ng mas mahabang curfew hours ngayong araw (Hulyo 25) sa Metro Manila dahil sa banta ng mas nakakahawang COVID-19 Delta variants matapos na tumaas ang kaso nito.

Ito ay matapos ma­pagkasunduan ng mga Metro Manila mayors sa kanilang ginawang pagpupulong kahapon.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., ang bagong ipatutupad na curfew hours para sa National Capital Region (NCR) ay mula alas- 10:00 ng gabi hanggang alas-4 ng mada­ling araw mula sa dating alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Aniya, dapat na mas maagap ngayong may local transmission na tumaas pa sa 9 ang Metro Manila dahil sa posibleng bilis na hawaan sa Delta variant, na hanggang walo katao aniya, ang puwedeng mahawa, kumpara sa ibang variants ng COVID-19.

Nanawagan din si Abalos na iwasan na ang paglabas ng bahay kung hindi kinakailangan, sumunod sa health protocols at importante rin na huwag nang pairalin ang home qua­rantine at ipabatid agad sa nakasasakop na barangay sakaling tamaan ng virus.

 

Related video:

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with