_pang-masa
^

Police Metro

Higit 20K katao inilikas sa matinding pag-ulan

Joy Cantos - Pang-masa
Higit 20K katao inilikas sa matinding pag-ulan
Naging matindi ang paninikip ng daloy ng trapiko sa north at southbound ng South Luzon Expressway (SLEX) sa San Pedro, Laguna kahapon dahil sa pagbaha dulot ng walang puknat na pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa bagyong Fabian at habagat.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Mahigit 20,000 katao ang inilikas sanhi ng mga pagbaha kasabay ng walang puknat na mala­lakas na pag-ulan sa ma­laking bahagi ng Luzon partikular na ang Metro Manila at MIMAROPA dulot ng southwest monsoon, iniulat kahapon. 

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal, dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River ay nasa 3,030 pamilya o kabuuang 13,000 katao ang inilikas sa iba’t ibang barangay sa Marikina City.

Ang mga evacuees ay kasalukuyang kinakanlong sa 27 evacuation centers sa lungsod.

Samantala, nasa 23 pamilya naman ang inilikas ng AFP- Joint Task Force (AFP-JTF) National Capital Region sanhi ng mataas na tubig baha sa Brgy. Tatalon, Quezon City.

Sa Occidental at Oriental Mindoro na nasasakupan ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) o Region IVB, nasa 7,025 katao naman ang nagsilikas dahil sa malalim na tubig baha, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO). Nasa 2,838 residente ang nasa mga evacuation centers habang 1,826 ang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Sa Masantol, Pampanga, nasa 12 barangay ang dumanas din ng mga pagbaha habang sa Bulacan ay binaha ang 36 na barangay sa mga bayan ng Paombong, Hagonoy, Guiguinto, Balagtas at Marilao. 

 

NDRRMC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with